Lakbay Sanaysay sa Sky Ranch Pampanga ni: Sharlot T. Alba
Ang paglalakbay sa isang lugar ay isa sa
pinaka masayang karanasan na iyong mararanasan habang ikaw ay nabubuhay.
Maraming pangyayari at karanasan ang hindi malilimutan sa bawat lugar na iyong
malalakbay at mapupuntahan.
September 23,2018 isa sa hindi makakalimutang araw sa aking
buhay ng pumunta sa isang sikat na panlibangang parke (amusement park) sa San
Fernado Pampanga.
Magmula dito sa Angeles City ,Pampanga ay hindi gaanong
mahirap bumyahe. Kinakailangan ng pera hindi kukulang sa halagang 100 pesos
para sa papunta sa Skyranch Pampanga at pabalik sa iyong pinanggalingan.
Sasakay sa isang jeep na deretso papuntang Sm Pampanga,San Fernando sa terminal
ng Marquee mall pampanga.
Ang Sky Ranch Pampanga ay may kabuuang 22 rides na maaring
tangkilikin ng lahat, matanda man o bata mayroon din itong mga booth kung saan
pwedeng maglaro at makakuha ng premyo. Sa kabuuang parke hindi kinakakilangan
magbayad ng entrance fee ngunit ang babayaran lamang ay ticket para sa rides na
gustong subukan at sakyan.
Ang pinakasikat na atraksyon sa Sky Ranch Pampanga ang
punaka malakung Ferris Wheel sa buong Pilipinas. ito ay tinatawag na Pampanga
Eye sa kadahilanang tanaw ang mga lugar sa Pampanga dahil na din sa taas nito.
Ang paglakbay dito ay napaka saya dahil sa mga bagong
karanasan. May takot kang marararamdan bago sumubok sa mga rides dahil ang iba
dito ay extreme rides.
Katabi nito ay isang sikat na mall kung saan pwedeng
magpahinga at maglibot pag katapos sumakay at mapagod sa Sky Ranch Pampanga.
Kung kaya naman ang pagpunta dito ay napaka sulit lalo na't
kung kasama ang iyong mga mahal sa buhay gaya ng mga pamilya, kaibigan at
maging karelasyon sa buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento